Thursday, February 21, 2013

WELCOME TO ANTIPOLO!

Nakakita ka na ba ng magagandang kwento tungkol sa isang bayan? Nakakita ka na ba ng mga nakawiwiling obra? Kung hindi pa, puntahan nyo lamang ang adventuresinantipolo.blogspot.com Dito mo mararanasan ang mga kakaibang karanasan kahit sa simpleng paraan. Tungkol ito sa aming napiling lugar, ang Antipolo City. Nakapalooob dito ang mga iba't ibang kwentong bayan at sining sa sinasabing lugar tulad ng Paraisado, Karnabal at marami pang iba at kwentong bayan tulad ng alamat ng Antipolo at hinulugang taktak.

Mga Kuwentong Bayan

Ang Alamat ng Punong Tipulo

Noong panahon ng mga Kastila, karamihan sa mga 

magsasaka sa kapatagan ay umaakyat ng bundok dahil sa takot sa mga dayuhan. Sa kagubatan sila namamalagi upang makaiwas sa mga kaguluhang nagaganap sa bayan.

Akala ng mga Kastila ay natayo ng grupo ng mga maghihimagsik ang mga magsasaka. Lalo silang nagalit kaya pinag-isipan kung paano makagaganti.

Marami ang mga Pilipinong pinagbintangan nila gayong inosente ang mga ito sa kanilang ibinibintang. Hinuli nila at ipinilit ang mga ito dahil umano sa pagsapi sa himagsikan.

Nabalitaan ng mga magsasakang naninirahan sa bundok ang tungkol sa paglusob ng mga gwardiya-sibil sa kanilang lugar. Nangatakot sila.

Araw at gabi ay panay ang dasal ng mga kababaihan upang maligtas sila sa nakaambang panganib.

Isang araw ay nagpasya ang mga Kastila na umakyat na sa bundok. Laking gulat nila nang makita ang lahat, babae man o lalaki, bata man o matanda, na nangakaluhod at nagdarasal.

Palibhasa ay taimtim sa pagdarasal ang mga tao kaya dininig ang kanilang panawagan. Biglang nagningning ang malaking puno ng Tipolo at lumitaw ang imahe ng Mahal na Birheng Concepcion sa itaas nito.

Dahil relihiyoso rin ang malulupit na mga Kastila, nahintakutan sila sa nasaksihan. Nagsisi sila sa mismong oras na iyon.

Marami ang nakakita sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Nagpasalamat sila sa saklolong ibinigay nito. Ang masamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy. Sa halip ay iginalang nila ang pook na iyon.

 Ang Alamat ng Hinulugang Taktak

Sa isang bayan may isang kampana na napakalakas kapag ito  pinaiingay. Sa sobrang ingay nito ay nabubulabog ang mga tao. 

Kaya isang araw ay napagisipan ng mga tao sa bayan na itapon ito sa katabing talon ng bayan.

Nagpunta ngayong ang mga taong bayan sa simbahan kung saan pinapaingay ang kampanang ito. 

Pinuntahan at kinausap ng mga tao ang pari ng nasasabing simbahan. Ipinaliwanag ng mga tao ang problema nila kapag gumagawa ng ingay ang kampana. Sinabi rin nila na dapat na itong  tanggalin.

Kaya nagpasya na ang pari ng simbahan na itapon sa talon malapit sa talon.

Sa oras ng paghulog umingay ng napakalas ang kampana. 

Kaya noon ay hindi na sila naghuhulog ng bagay dito at tinawag na rin itong Hinulugang Taktak.

4 comments:

  1. Nakakatuwang basahin ung mga stories. Napakahiwaga sa Antipolo.

    ReplyDelete
  2. Napakagandang nga kwento kakaiba.Gustong gusto ko yung kwentong bayan ng Alamat ng Antipolo.

    NegosyongPinoy.info

    ReplyDelete
  3. Nag enjoy ako mag basa nakakamangha nga ang kwentong sinulat mo.Sakit.info

    ReplyDelete