ALAMAT NG ANTIPOLO
Sabi ng matatanda, ang mga magsasakang naninirahan sa kapatagan noong pahahon ng Kastila ay nagsilipat sa kabundukan upang makaiwas sa kalupita ng mga dayuhan. Sa kagubatan na sila namalagi para huwag masangkot sa kaguluhang nagaganap sa bayan. Ang patuloy na paghihimagsikan ay lalong nagpagalit sa mga Kastila. Umisip sila ng paraang maka-paghiganti. Maraming walang malay na Pilipino ang kanilang pinag-bintangang kasapi ng Katipunan at ipiniit sa madilim na karsel.
Nabalitaan ng mga naninirahan sa bundok ang gagawing paglusob ng mga guardia sibil sa kanilang lugar at sila ay natakot. Araw-gabi ang nangangambang mga kababaihan ay walang tigil sa pagdarasal upang sila ay iadya sa panganib na darating. Hanggang isang araw, umakyat na nga sa bundok ang mga Kastila. Nakarating sila sa lugar na kung saan nagkakatipon-tipon ang mga nagdarasal. Sa pagtataka ng lahat ay biglang nagningning ang punong TIPOLO. Kaginsa-ginsa ay lumitaw ang Birheng Concepcion sa itaas ng puno. Palibhasa'y mga relihiyoso ang mga dayuhang ito, sila ay nahintakutan at nagsisi.Marami ang nakakita sa pagmimilagrong iyong ng Birhen. Sila ay nagpasalamat sa saklolong ibinigay nito. Angmasamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy, bagkus sila ay nanganakong ang pook na yaon ay kanilang igagalang. Masaya nilang ipinamalita sa kapwa nila Kastila ang nakitang pagmimilagro."Saang lugar iyon at kami man ay pupunta roon", tanong ng mananampalataya."Sa bundok. Itanong ninyo kung saan ang Tipolo at ituturo nila sa inyo." ang kanilang sagot.Dahil sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga taong doon ay dumarayo ng "Saan ang Tipolo?" tinawag nilang SANTIPOLO ang pook na ito na kalaunan ay naging ANTIPOLO.Buhat noon, nakagawian na ng lahat, mahirap man o mayaman, ang pamamanata sa mataas na bundok na ito ng ANTIPOLO lalo na sa panahon ng Mahal na Araw.
HINULUGANG TAKTAK
Ang Hinulugang Taktak ay isang talon sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal sa pulo ng Luzon. Binansagang isang Pambansang Liwasan ang napapalibutang lugar ng talon sa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR). Isa ang talon sa dalawang pinakapopular na lugar na panturismo sa Lungsod ng Antipolo, and kabisera ng Rizal, kasabay ng Katedral ng Antipolo. Noong 1990, inihayag bilang isang Pambansang Dambanang Makasaysayan ang Hinulugang Taktak sa pagpasa ng Batas Republika Blg. 6964
PUNONG TIPULO
Ang puno ng Tipolo o ang Antipolo Tree ay isang mahalaga at makasaysayang punong kahoy sa Lungsod ng Antipolo. Bukod sa sinasabing dito hinango ang pangalan ng pook na ito ay sa mga sanga pa rin daw nito nakita ang imahe ng Birhen ng Antipolo matapos ang tatlong ulit na pagkawala nito sa pook ng Sitio Santa Cruz na unang pinagdalhan sa kanya, humigit-kumulang sa tatlong daan at pitumpo at siyam na taon na ang nakalilipas.
Bunga ng pangyayari, sa pook na iyon na ngayon ay kinatatayuan ng Antipolo Cathedral ay ipinagawa ng mga paring Hesuita ang simbahang bato noong 1630-1633 na sa kasamaang palad ay nawasak noong Marso 6-7, 1945 sa panahon ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko.
Ang punong kahoy na ito na ayon sa kasaysayan ay malaganap na tumutubo sa lahat halos ng panig ng Antipolo apat na raang taon na ang nakalilipas ay unang nakilala sa kanyang pang agham na pangalang (scientific name) Artocarpus Incisa. Subalit sa mga aklat na The Forest of the Philippines ni H.N. Whitford noong 1911; Commercial Woods of the Philippines ni E.G. Schneider; Minor Product of Philippine Forest ni William H. Brown noong 1920 ng Bureau of Forestry; gayon din sa aklat na Philippine Woods ni Luis J. Reyes ng Department of Agriculture and Commerce noong 1938 ay sinasabing Artocarpus Cummunis.
Ayon pa rin sa nabanggit na mga aklat ang punong kahoy na ito ay hindi lamang sa pook ng Antipolo matatagpuan. Maging sa mga lalawigan ng bansa buhat sa Cagayan hanggang Mindanao ay marami din nito. At sa bawat bayan o lalawigan ay may kanya-kanyang katawagan (common name) ito na gaya ng tipulo, tipolo, pakak, kamangsi, rima, ugob, pakak-bakia, tuyop, kamanse, dalungian, agob, basara, tagob, tugob, atipuno, antipolo, at iba pa.
Sinasabi pa rin sa nabanggit na mga aklat na ang mga punong kahoy na kapamilya ng Antipolo Tree ay ang Anubing (Artocarpus Cumingiana) at ang Nangka (Artocarpus entergra/integrefolia).
Sa ibang lalawigan ay sinasabi rin na kinakain ang murang bunga nito sa pamamagitan ng pagsasama sa nilagang karne. Ang magulang na mga buto naman ay ibinubusa na 'tulad ng balatong. Subalit dito sa Lungsod ng Antipolo ay hindi kinakain ito. Ang tuyong dahon laman nito, kasama ang tuyong dahon din ng abocado at sariwang dahon naman ng pandan ay isinasama sa pinakulo o nilagang tsaa upang maging mabango at malinamnam ang lasa.
Samantala, sa pahina 162 ng The heritage Illustrated Dictionary of the English Language International Edition, na ang punong kahoy na Artocarpus Cummunis ( or A. Incisa) ng pook ng Polynesia ay ang tinatawag na Breadfruit. Subalit sa pahina 158 naman ng The New International Encyclopedia 1996 Edition published by Triden Press International ay sinasabi na sa South Pacific ang Breadfruit nila ay ang Artocarpus Atilus na kapamilya ng mga puno ng mulberry ay kinakain ang bunga. Marami rin daw ang tumutubo nito sa tropical America. Kung ano ang pagkakahawig, pagkakamukha, o pagkakaiba ng mga iyon sa ating Antipolo Tree ay malalaman natin sa ibang pagkakataon.
Samantala pa rin, sa gitna ng kahalagahan ng Antipolo Tree, ang lahat halos ng sektor ng mga mamamayan ng Lungsod ng Antipolo ay waring walang pagmamalasakit dito. Katunayan, samantalang isinusulat ito, humigit-kumulang lamang marahil sa bilang na limampu ang natitirang tumutubo doon na halos walang pumapansin liban kung ang lilim nito ay gagawing pananggalang sa init ng araw at mga bahagyang pag-ambon.
Sa liwasang bayan ng Lungsod ng Antipolo, lubhang napakahirap paniwalaan subalit tutoo, wala kahit isang puno ng Antipolo Tree ang nakatanim o tumutubo dito. Maging sa mga lote ng pribado at publikong paaralan dito sa Antipolo ay mahirap makakita ng kahit isang Antipolo Tree na tumutubo doon. Kung mayroon man, napaguusapan kaya ng mga guro at mga estudyante nila ang tungkol sa punong kahoy na ito?
Sa gilid ng open space na kinaroroonan ng basketball court ng Monte Rosas Executive Village sa Barangay Dela Paz ay may dalawang puno ng Antipolo Tree na itinanim ng inyong lingkod walong taon na ang nakalilipas. Napakaganda ng tubo, malilim at malaking kasiyahan ang naidudulot nito sa mga naninirahan doon lalo na sa kanilang mga kabataan.
Sa tabi ng gusali ng yumaong Francisco "komong" Sumulong sa Ninoy Aquino Blvd., Barangay Dela Paz na kung saan naroroon ang tanggapan ng DENR, ay isang magandang puno ng Antipolo Tree ang matatagpuan. Iyon ay kaloob ng iyong lingkod kay Ka Aging Reyes Sumulong walong taon na ang nakalilipas. Maidadagdag pa rin natin dito na sa tabi ng Barangay Hall ng Dalig ay isang napakaganda ring Antipolo Tree ang itinanim ni Kapitan Engineer Loni M. Leyva. Gayon din sa tabi ng magandang tahanan nina Doktora Resurrection Marrero-Acop, MD sa Barangay Dela Paz; Dr. Juan F. Torres Jr. MD sa Cottonwood Height; at Rico Naidas sa tabi ng kanilang Las Brisas Hotel & Conference Center malapit sa Beverly Hills. Sa mga taga-Antipolo, matapat nating pahalagahan ang puno ng Tipulo, ang Antipolo Tree, na luntiang simbulo ng maluwalhating kaysaysayan, kultura, at mga tradisyon ng ating Lungsod.
KARNABAL
KARNABAL ay isa sa mga pinaka malaking obra sa museo. ito ay gawa sa pakikipagtulungan ng iba't ibang pintor na kilala bilang salingpusa noong 1992.
Baston Ni Kabunian, Bilang Pero Di Mabilang
Ang obra na ito ay gawa ni Rodel Tapaya. Ito ay nakatanggap ng gantimpala sa Asia Pacific Breweries (APB) Foundation Signature Art Competition sa Singapore noong Setyembre 15, 2011. Sa hilagang bahagi ng Pilipinas, Bontoc tribo ng mitolohiya na inilarawan sa isang napakalaki na katulad ng sa aso na naka-ligtas na mga tao mula sa isang baha. Sa isa pang kuwento, ang diyos, Lumawig, anak ni Kabunian, ginamit ang tela upang bumuo ng mga bundok. Sa isang Tagalog folktale.
pinaghihinalan nakakagamot o nakapagbibigay sa mga inaasam na bagay. isang buwan-mahaba pagdiriwang na pinagsasama-mga deboto at Pilgrimahe pagpitaganan ang "Our lady of peace and good voyage" sa Antipolo Church sa Antipolo City

PARAISADO
ok, you may start promoting your blog now. please add more details and videos regarding to your topics.
ReplyDeleteWow! Antipolo! Maraming maggandang resort dyan! Maganda pa yung lugar :D
ReplyDeleteAng ganda ng Antipolo pinapakita nito ang natatanging kagandahan ng lugar. Di pala ito panghot springs marami ring magagandang pwedeng puntahan dito
ReplyDeleteNice! This is a good blog indeed. I like how you included awesome pictures and videos. I also like how you guys included beautiful places in Antipolo!:) Pwede ng pang tourism:))
ReplyDeleteNakakatuwa naman. Ang dami pa lang pwedeng puntahan sa Antipolo. Honestly, I've only seen the place twice. Pero because of this blog parang gusto kong pumunta dun to check Hinulugang Taktak. I guess it's true na maraming magagandang lugar sa Pilipinas ngunit di lang natin masyadong napapansin! Thank you so much for sharing this blog! :D
ReplyDeleteNice! grabe ngayon ko lang nalaman na marami pa lang pwedeng puntahan sa Antipolo at marami rin palang magaganda at masasayang kwento tungkol dito nice blog =))
ReplyDeleteNice!!! =DDDD One who'll go to Antipolo should see this website..... Astig =DDD Content and design..... lots to know and pleasing to the eyes =DDDD
ReplyDeleteIt's more fun in the Philippines, ika nga. Talagang ansarap ipagmalaki ng mga lugar sa Pilipinas gaya ng Antipolo! Di lang puno ng magandang tanawin ito rin ay may mayaman na kultura. magaling!
ReplyDeleteHmm.. Maraming salamat! Sa tulong ng inyong ginawang blog tungkol sa Antipolo, Mas lalo kong nakilala ang kultura ng mga tao na naninirahan doon.. At siguradong magagamit ko ang akiing mga natutunan sa inyong blog balang araw sa pagpunta ko sa Antipolo.. :)
ReplyDeleteAwesome blog! :) Nice! :)
ReplyDeleteAng ganda ng blog niyo :) Di siya nakakapagod basahin kaya nalaman ko ding madaming makikitang maganda sa Antipolo! :D
ReplyDeleteDahil sa blog nyo,lalong maiinganyong pumunta ang ibang tao para makita ang magagandang obra diyan sa Antipolo.Btw, nice blog :)
ReplyDeleteNice! parang nakapag tour narin ako sa antipolo dahil sa blog na to! Amazing! :D
ReplyDeleteMaganda ang inyong blog! Sa katunayan ay napakaganda para sa isang bata na katulad nyo, mas pagbutihin nyo pa ang inyong mga kakayahan upang mas makagawa pa kayo ng mas magagandang blogs. Ito ay makatutulong sa mga estudyanteng nangangailangan ng mga impormasyon tungkol sa kanilang mga takdang aralin. Good job. :-bd
ReplyDeletenakahihikayat ang blog na ito ng mga turista sa ating bansa. "Its more fun in the Philippines!"
ReplyDeleteAng ganda sa Antipolo =))) Sana makapunta ako diyan.
ReplyDeleteang ganda sa Antipolo :DD.. and for the blog, it's very informative :D it contains many details that you need to know :D
ReplyDeleteGreat! I didnt really know about a Antipolo, But yea this blog helped me to know places like this. I didnt really know that Antipolo was well filled with History and stuff...
ReplyDeleteAlso, good site! A little work can be improved to it but yes its a good and informative website.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteGrabe naman, mahilig ba kayo sa caps lock? Yung iba sa mga talata niyo naka-caps lock, kakatakot tingnan. Anyways, nice blog. Mas maganda kung sinabi niyo kung kailan naganap yung pagkagawa nung "BASTON NI KABUNIAN, BILANG PERO DI MABILANG" at nung "Paint Your Town In A Gown". Yung nakalagay kasi na petsa doon,ay yung petsa kung kailan naganap yung kompetisyon kung saan nanalo yung "BASTON NI KABUNIAN, BILANG PERO DI MABILANG".
ReplyDeleteVery well written blog and it tackles the place, Antipolo very thoroughly. Nice Job. :)
ReplyDeleteMarami akong natutunan sa blog niyo :))
ReplyDeleteThe content seems nice! :) Very detailed din, so bale pag may plan silang pumunta diyan, they can consider this as a reference.
ReplyDeleteAkoy nahuhumaling na pumunta sa antipolo. Napakaganda :)
ReplyDeleteNice blog!! It's really detailed and full of information :) :)
ReplyDeleteit's more fun in antipolo! :)
ReplyDeleteMaraming salamat sa information.Madami akong natutunan sa blog na ito :)
ReplyDeleteMaganda talaga dyan sa Antipolo. Very informative blog.:)
ReplyDeleteMaganda yung Blog. Very informative. :)
ReplyDeleteWala akong masyadong alam sa Antipolo but thanks to you nadagdagan ang knowledge ko about the place. :))
ReplyDeletemaganda talaga sa antipolo kasi marami pag kaing kakanin
ReplyDeletemabuhay ang antipolo
ReplyDeleteMaganda ang pagsasa-ayos ng blog.
ReplyDeleteMaraming impormasyon na mahihinuha. =)
Ang ganda nung blog at nung background nyo :) really colorful and full of information. Tapos talagang nag-effort pa kayong ilagay yung alamat ng Antipolo. Bukod dun, inilagay nyo rin ang Hymno ng Antipolo na hindi ko alam, kaya thank you for the info! :D
ReplyDeleteMaganda yung blog niyo. Pinapakita dito kung gaano kaganda ang Antipolo.
ReplyDeleteNice blog :) i saw how wonderful antipolo is :)
ReplyDeleteAng ganda ng blog nyo :) Ang dami kong nalamang inpormasyon tungkol sa Antipolo :)
ReplyDeleteAlam niyo bang puno ng basura ung Hinulugang Taktak?
ReplyDeletemaganda talaga sa antipolo! maraming mga detalyeng nakapaloob sa blog nyo. pero mas mabuti sana kung dadagdagan nyo pa ng konting history ng antipolo :))
ReplyDeleteWow.. ang ganda pala sa Antipolo. Kamangha-mangha ang mga iba't-ibang bagay na makikita dito. Hindi nakakatamad basahin ang mga impormasyong nakalagay dito. At para naman sa blog, maganda ito! :)
ReplyDeletenice :)
ReplyDeleteang ganda naman nung PARAISADO.. :) ngayon ko lang ito nalaman. heheh.. salamat sa info! :)
ReplyDeleteAng ganda talaga diyan sa Antipolo.. Sana makapunta ako diyan.. :)
ReplyDeleteAng ganda! Sana makapunta ako sa Antipolo =)))
ReplyDeletetnx, marami akong natutunan tungkol sa Antipolo lalo na sa hinulugang taktak gusto ko sanang maka punta diyan
ReplyDeleteang ganda ng blog ang dami kong bagong natuklasan sa antipolo. :)
ReplyDeleteMaganda ang inyong blog. :)) Marami akong natutunan tungkol sa Antipolo. :D
ReplyDeleteThank you for your very informative blog about Antipolo! :)
ReplyDeleteAstig ng antipolo! gusto kong maligo sa falls XDD thanks for the info! :))))
ReplyDeleteYour blog is nice, very informative. I suggest you to change the font style that is more appealing with to the viewers to encourage them more to read your blog. Thank You :)
ReplyDeleteSeeing your post about Parish of Our Lady of Peace and Good Voyage makes my mind really think that Antipolo is a very religious place... I want to visit again that place that i may consider as a piece of heaven. Nice blog
ReplyDeleteWonderful and informative blog :) BTW, maganda talaga sa Antipolo, lalo na sa Hinugulang Taktak. But some says na di na daw ganun kalinis doon..
ReplyDeleteMay kamag-anak ako sa Antipolo, pero di ako nasasabihan ng mga ganito. So now nadagdagan na yung nalalaman ko sa Antipolo, thanks to this blog. Very informative. :)
ReplyDeleteNice blog, maayos yung pagkakalagay ng mga detalye. Nakakapanghikayat ang mga kaalamang ito upang pumunta sa Antipolo. Salamat sa mga impormasyon. :)
ReplyDeleteSalamat po sa napaka ganda at talagang makasaysayang impormasyon.. 😍
ReplyDelete